My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

5 Tips Para sa mga Scholars

Uy, scholar oh! Kadalasan maririnig mo sa mga classmates or kakilala mo. Sobrang nakaka-stress kaya kapag scholar! Ang daming pressures, pressure sa magulang, pressure sa mga kamag-anak, pressure sa grades, pressure sa teachers, ang dami! Pressure cooker! Kailangan mong ma-meet ang expectations ng mga taong umaasa sayo. Akala niyo madali maging scholar no? Na-petix lang dahil wala kaming binabayaran, mali! Pwes, mali kayong mga nag-iisip non! Ang hindi namin pagbayad ng tuition ay nangangahulugang kailangan naming maging isang mabuti, magaling, at magandang ehemplong estudyante sa lahat. Narito ang 5 tips na naisip ko na sana makatulong upang maka-graduate tayo'ng lahat bilang scholars:

UNA: Huwag na huwag papasok ng hindi handa. Hindi ka na high school te! Iba ang college, ibang-iba. Kaya't huwag na huwag kang papasok ng hindi man lang nakapag-basa or aral kahit kaunti sa mga subjects mo. Panindigan mo na ang pagiging scholar mo. Mas magandang palagi kang may baon na kaalaman. Parang giyera lang 'yan, sino bang may gustong sumabak sa labanan nang walang kagamitan na nakahanda, o hindi man lang nagplano? Siguradong talo ka agad! Hindi lang to sa kaalaman, pati na rin sa kagamitan. Mas maganda kung kumpleto ka ng gamit, papel, bolpen, libro, binder, eraser, sharpener, crayola, coloring book, chiskarls, sopdrinks, at kung ano ano pa.. (ang mga nahuling nabanggit ay hindi masyadong kailangan pero magagamit minsan)

IKALAWA: Maging aktibo! Hangga't maaari sumali sa mga organizations kung kaya ng oras mo dahil maraming bagay ang matututunan sa isang organisasyon. Hindi ka lang tinuturuan dito kung paano maging isang mabuti at mabisang lider kundi pati na rin ang pakikisalamuha sa iyong kapwa. Once kasi na natuto kang makisalamuha sa iba't ibang klase ng tao, madami ka ring ma-eexperience. Madami silang maibabahagi sa'yo na hindi kayang ituro ng guro. Tanging ikaw lamang ang makapagtuturo nito sa sarili mo. Maging aktibo din sa recitation (kahit hindi sigurado sa sagot, gorabels lang!) nakakadagdag pa din ito sa grades at makakatulong upang matandaan ka ng professor mo.


IKATLO: Matutong magbalanse ng oras. Napakahalaga ng oras; ang oras na lumipas ay hinding hindi mo na maibabalik (oh ang taray, parang may pinaghuhugutan) Kailangang alamin natin ang priorities natin. Huwag tayong papayag na may oras na masayang, kung maaari lang bawat oras at araw maging produktibo tayo. Gawin ang mga bagay na dapat gawin ng mas maaga para hindi ka na mag-cram at the last minute. Syempre ang pagiging scholar ay may katuwang na sacrifices. Maging matatag at harapin ang mga ito ng buong puso. Ops! Bago ko malimutan, isingit ko na din dito ang pagiging POSITIBO! Huwag hahayaang makain ng negatibong pananaw at enerhiya.


IKAAPAT: Magkaroon ng magandang relasyon sa pamilya at lalung-lalo na sa Diyos. Kailangan may communication kayo ng pamilya mo, maging open sa kanila. Sabihin ang mga problema mo sa kanila, ibahagi ang mga kaganapan at pangyayari sa eskwelahan. Kung nagtataka ano ang kinalaman nito sa pagiging scholar, syempre mas gagaan ang iyong loob tuwing ika'y may problema dahil sarili mo mismong kapamilya ang kausap mo. Sabihin sa kanila tuwing nahihirapan ka para alam nila ang iyong problema. At syempre, huwag na huwag nating kalimutan ang Diyos. Kasabay ng pag-aaral ang pagdarasal. Ugaliing magdasal araw-araw. Maglaan ng panahon at oras para sa Diyos. Magpasalamat, humingi ng tawad, at mag-kwento na din sa kaniya. Ginagawa ko ito minsan, ang pagkekwento at gumagaan ang aking pakiramdam. Huwag natin iasa lahat sa Diyos, mas magandang sabay ang aral at dasal.

At ang pinakahuli sa lahat..


IKALIMA: Have fun! Huwag din syempreng kalimutan mag-saya! Tao din tayo, kailangan ng pahinga at kasiyahan paminsan-minsan. Baka pag puro aral masira na ulo natin niyan! :) We all deserve a break from all the stress and pressures. Makipag-bonding sa pamilya, sa kaibigan, sa kamag-anak, sa aso, sa kapit-bahay.. huwag lang sa hindi mo kakilala -___- Bigyan natin ng oras ang ating sarili upang makapag-saya.

Lagi nating tandaan na ang pagiging isang scholar ay isang opportunity na ipinagkaloob sa atin dahil alam ng Diyos na kaya natin 'to! Huwag sayangin ang pagkakataong ibinigay. Sulitin na natin 'to! Good luck sa lahat ng Scholars at sana maka-graduate tayong lahat na Scholars :)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment