My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

Tips tuwing may exams/quiz:

Para sa mga mag-mimidterm pa lang this week, at dahil may major quiz ako bukas (na hindi matuloy-tuloy), naisipan kong gumawa ng tips tuwing may exams or quizzes na hinihiling ko ay sana masunod ko din :)) So, let's get it started:


1.) REVIEW!Unang-una sa lahat, parang-awa niyo na mga kababayan, mag-review ho tayo! 'Wag natin iasa lahat kay batman o kung kani-kaninong santo ang grades at sagot natin dahil kahit saan tayo magdasal o humingi ng tulong tayo pa din ang sasalba sa sarili natin sa huli. Napaka-importante ng pag-rereview. Kailangan i-refresh din natin ang ating mga utak sa sandamukal na lessons na tinuro sa atin.. 

2.) NOTES! Ito na 'yung mga pagkakataong ma-rerealize natin ang kahalagahan ng note-taking. Okay lang magpa-photocopy mga kapatid, wag lang yung buong notebook ang pa-photocopy, abuso yun mga pare :) Huwag kalimutang magpasalamat sa may-ari ng notes (kung maaari ilibre siya ng kariman sa mini stop) at lalong huwag kalimutan isauli ang notes niya, bawal iuwi, isipin ang kapakanan ng may-ari, paano siya makakapag-review. 

3.) TULOG! Actually isa to sa mga gawain ko, nagkukulang talaga ko sa tulog dahil super cram ako sa pagrereview. Huwag po, mga kababayan. Hindi siya nakakatulong, mas magandang mag-review ng maaga at huwag 1 day before dahil ma-stress ka lang. Ugaliing matulog ng maaga dahil malaking tulong ang nagagawa ng pagtulog sa ating utak at katawan. (Ang ganda pa ng feeling pagkagising, fresh na fresh)

4.) MEAT! Ang pangit pala ng unang caption, MEAT! haha. Anyway, maganda ang epekto ng pagkain ng karne (mas lalo na ang beef) tuwing may exams. Chocolates din, pero minsan depende rin ito sa tao kung anong pagkain ang gusto nilang kainin at feeling na kumportable sila. (Wala na kong masyadong maisip dito..)

5.) At ang pinakahuli ay ang DASAL! Tulad nga ng sabi ko, mas magandang pagsabayin ang pagdarasal at pag-aaral kaysa naman sa puro aral. Lalo naman sa puro dasal. Tulad nga ng kwento sa isang libro ni Bob Ong, nagdarasal ang isang estudyante na sana daw makapasa siya sa exam pero hindi naman siya nag-review, para daw siyang humiling na manalo sa lotto ng hindi naman bumibili ng ticket. Kaya kung ako sa inyo, dasal at aral ang sagot sa mataas na grado :) Oha! 

Sana may natutunan kayo sa minadali kong tips for you guys! :) Kahit parang hindi naman talaga siya pinag-isipan, hahaha. 



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment