My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

Mabuti nang Nagkakaintindihan!

Ito yung mga bagay na pinaka-kinaiinis ko eh:


  • Naninigarilyo in public: yung tipong ibubuga pa sa mukha mo yung usok. O kaya naman pag sa jeep. Nako! bwisit na bwisit talaga ko pag sa jeep lalo na pag papunta sakin yung usok, di ako makahinga, gusto ko minsan sakalin yung naninigarilyo!)
  • Kaskaserong driver: at dahil regular passenger ako ng mga jeep, mayroon akong madalas na nasasakyan na jeep from Lacson to LRT station in Tayuman, yung normal 10 minute ride from UST to Tayuman LRT station nagiging 5 minute ride lang pagdating sa kaniya. Nakakatakot! Para na rin akong nakalibre ng ride sa Star City tuwing nakasakay ako sa jeep niya. Buwis buhay ng bongga! Hindi talaga ko magtataka kapag naaksidente yun, pero sana huwag..)
  • Waluhan na nagiging Sampuan: Tungkol din sa jeep. Nakakainis yung pagsisiksikan kayong ilagay sa iisang jeep. Ang init init kaya sa loob, halos kalahati na lang nakaupo sa puwit ng iba. Ipit na ipit pa lahat ng nakaupo. Tapos yung barker naman sisigaw sabay tuktok ng barya sa gilid ng jeep "konting usod lang po mga kapatid para maka-alis na" Hello! Ikaw kaya umupo dito. 
  • Biglang ulan: Sobrang unpredictable talaga ng weather, nakakabadtrip yung naka-ayos ka na eh, naka-uniform, tuyo na yung buhok, fresh na fresh, tapos paglabas niyo ng bahay biglang aambon at eventually magiging ulan. BADTRIP YON SERYOSO! Eh yung sapatos ko pa naman dati leather na parag doll shoes, mababa lang. Kaya kapag lumakad ka sa basang daan magiging aquarium agad. Pero naniniwala pa din akong "Necessity is the mother of all inventions" - Tama ba? haha, kaya nagpalit ako ng sapatos, yung usong mga doll shoes na gawa sa rubber. Hahamunin ko yung baha sa UST :))
  • Sardinas sa LRT: mabibilang lang talaga sa daliri kung ilang beses ako naka-upo sa loob ng LRT train. Tuwing sasakay ako palaging siksikan. Ok pa kapag tuwing 3pm ang uwian ko eh, may awa pa ang Diyos at nakakasiksik pa ko sa loob. Pero pag 7pm ang uwi ko, Diyosko! Sardinas talaga sa loob ng tren. 'Yung tipong makikita mo yung mga mukha nung tao nakadikit na sa pinto :)))) Yung makikipagpatayan makasakay lang sa loob. Kaya sumasakay na lang ako sa LRT tuwing pauwi e. Kundi tuwing papasok ako halo-halo na amoy ko. Tuwing bababa naman ng Monumento station naiimagine ko yung meme na to:


oh diba? Yan palagi ang na-iimagine ko, may nagtatakbuhan pa papunta dun sa lusutan nung card :))) Mga pinoy nga naman oh, LRT more fun in the Philippines! 

  • Mag-commute pag maraming dala: Sobrang HASSLE! Kahit kailan inis na inis ako pag ganito, lahat na ata ng uri ng bag nagamit ko, nagtapon ng basura sa bag, at nagtanggal ng mga gamit na hindi naman kailangan, Take note: may locker pa ko niyan ah, pero madalas pa din akong madaming gamit. Ang hirap kayang magpalipat-lipat ng sasakyan pag madaming gamit. 

Madami pa yan, kaso inaantok na ko :))) Nakakainis lang talaga pero 'yung iba tuwing naiisip ko natatawa na lang ako.. definitely more fun in the Philippines! 

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment