My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

ANG COOL NG MGA BASSISTA! :)))

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

My Most Awaited Sembreak

WOOOOOOOO! Sembreak na! :D

Dati parang wala lang sakin tong sembreak na to nung high school ako. Pero ngayong college na ramdam na ramdam ko na ang tunay na essence ng sembreak! Pagkatapos ba naman ng isang buwang paguran, puyatan, at naglalakihang eye bags at tigyawat, gugustuhin mong matulog at gawin lahat ng hindi mo na nagagawa ngayong sembreak! SEMBREAK! S-E-M-B-R-E-A-K! (Pasensya na ho sa author nitong blog na to at masyadong nasisiyahan sa sembreak dahil nakaranas siya ng isang matindi, bonggang bongga, at wapak na isang buwang walang tulog) *kasama na ho ang finals diyan.

Ang saya ng pagtatapos ng isang sem ko (hindi ko alam kung talagang mababaw lang ako) nag Rock Band kami na noon ko lang nalaman kung ano yun at kung pano siya laruin :))) Infairness ang saya niya laruin ah, pero siguro depende din sa mga kasama niyo yan. Mga kasama ko kasi non sobrang kalog, sarap kasama at kalaro. Try niyo na din Rock Band (oha! Endorser na ko, dapat bayaran ako ng Rock Band dito e, haha).

Ok guys, alam kong nagtatatalon na kayo sa saya dahil sembreak niyo na din >:) Ano plano niyo? Sana maging productive tong (almost) 3 weeks ko, baka tumaba lang ako lalo nito dahil nasa bahay :)) Gawin nating productive ang sembreak natin!

-----nothing follows------


(Tapos na po ang post na ito dahil sobrang saya ng author at makakapagpahinga na siya at makakapaglaro, at makakanood ng 500 Days of Summer, at makakapag badminton.) :)

ENJOY YOUR SEMBREAK GUYS! -- Hazel

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

HELL. WEEK.

HELL WEEK. Definitely a hell week. Isang buong linggo na puro major paper at presentations ang gagawin, sabayan mo pa ng mga bonggang halos araw-araw na quiz. Kaloka! Nawindang ako, kala ko pag Freshman party party pa kasi bagong salta lang sa college, ay grabe te! Feeling ko graduating na ko. Naisip ko pano pa pala kapag 3rd or 4th year na ko, na may thesis na?

Critique Paper - English (deadline: Thursday, Oct 4)
Video Presentation - ETAR (deadline: Friday, Oct 5)
Research Paper - Sociology (deadline: Friday, Oct 5)
T-shirt Printing - Theology (deadline: Friday, Oct 5)
Quiz - Philosophy (Tuesday, Thursday, Oct 2 and 4)
Quiz - Theology (Wednesday, Oct 3)
Quiz - Journalism (Tuesday, Oct 2)
Quiz - History (Tuesday, Oct 2)
Next Week: FINALS!!!

*DAMN FRIDAY!

At sa kabila ng lahat, nakuha ko pang mag-post. Mabuting bata. Buti na lang sinanay ako ng SPCC sa ganitong sitwasyon at always ready ang ate niyong maki-giyera. 'Yung tipong konti lang ang tulog at lumalabas na ang mga makukulit na tigyawat sa mukha. Badtrip yon, hassle! Pero kailangan eh, after naman nito sobrang relieved yung pakiramdam mo. Parang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan.

Ironic din kasi nangyari to after Welcome Walk. WOW! Sobrang na-welcome ako! Anywaaaaaaay, sige na mga kapatid. At magbubusy-busyhan na ko :) Good luck din sa Hell week niyo at sigurado akong magkakaroon kayo nito. Kaya niyo yan! Panindigan ang kinuhang course! :)))

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS