My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

Survival Tips Tuwing Umuulan

Grabe yung kulog, nakakatakot! Galit na galit. Pati yung ulan, walang tigil. Nawawala-wala pa yung kuryente dito sa amin. As usual, napaka-rampant nanaman ng mga estudyanteng nag-aabang ng suspension ng klase (aminin ^_^). Kaya dapat palagi tayong handa sa mga ganitong klaseng panahon, ilan lamang ito sa mga bagay na dapat niyong tandaan. Mga tips mula sa mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas (syempre sanay na sa baha :D)


  • Laging magdala ng PAYONG. Umulan man o umaraw napaka-importante ng payong sa buhay. 
  • Ugaliing magbaon ng TSINELAS. Ilabas mo na yang pinaka-iingatan mong Havaianas, Banana Peel, Rambo, Islander, at kung anu-ano pang mga tsinelas. Magagamit to tuwing tag-ulan, promise! Sobrang laking tulong. 
  • PLASTIC. Magdala din ng plastic, lalagyan ng mga gamit mo. Delikado, baka maging aquarium yung loob ng bag mo. 
  • CELLPHONE. Kahit ano pang uri ng cellphone iyan, basta dapat mayroon ka, kahit yung pinakamurang klase, yung may antenna pa. Hindi kailangang bongga o iPhone5 pa iyan, basta may sapat na load para magamit tuwing may emergency.
  • EXTRANG PERA. Palaging magtabi ng sobrang pera dahil hindi natin alam ang panahon ngayon, sobrang unpredictable. 
  • Kumot, tuwalya, sipilyo, sabon, toothpaste, cotton buds, deodorant, tissue, luggage bag, cabinet, salamin, suklay, listerine.  
Ang mga nahuling nabanggit na bagay ay kathang-isip lamang at walang katotohanan. Mas mabuti nang handa tayo mga kapatid, sumugod sa giyera ng may baon. Mag-ingat po tayong lahat ngayon :)




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment