My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

KISLAP: Butil Night Race 2012


Ikalawang beses na ng KISLAP at ngayon lang ako naging parte nito. Sobrang saya talaga kahit inulan. Matinding preparations ang ginawa ng mga officers and staffers ng Becarios para maging successful ang program na ito at tingin ko natupad naman ang wish ng nakararami na maging successful ito. Sobrang fulfilling nang makita ko yung mga participants sa Plaza Mayor na suot 'yung singlets nila. Syempre hindi din mawawala ang glow sticks dito. Ang ganda ng effect na na-contribute ng glow sticks. At kahit nag-alay na ng itlog ang ilang officers, napaka-unpredictable pa din ng weather, syempre inulan. That time, nasa Beato Pavilion ako kasama ang trustworthy companion ko na si Justine (with an "E") at si James Harley Samonte (oha! full name!) in-charge kasi kami sa water station. Pero habang naghihintay kami ng sagot from the officers kung tuloy pa ba ang program, nakita namin bigla na tumatakbo na sila. Nakakagulat kasi hindi pa kami nagpeprepare ng water, pero nagawan naman ng paraan, nakakagulat din kasi at nakakataba ng puso (oh diba, mataba ang puso :D) kasi kahit na umuulan pa willing pa din ang mga participants na tumakbo. Sobrang haggard talaga sa water station kasi dagsa yung pagdating nila. Dito namin nakilala ang dalawang dalagitang taga-FEU. Si Danica at Eloisa, hindi ko talaga to inaasahan. Sa gitna ng pagiging ngarag naming tatlo, lumapit sila at tumulong, good samaritans ang peg. Oha! Gusto ko i-take ang opportunity na to para magpasalamat sa kanila. MedTech po ang course nila. Ace your examinations  and good luck sa studies. Magkikita ulit tayo someday. Salamat talaga sa inyong dalawa. After the race, nagkaroon ng concert kasama ang mga talentadong Tomasino. Mga bandang Thomasians ang members, UST Pride. Tunay nga namang talentado ang mga Tomasino. Lubos talaga kong nagpapasalamat sa lahat ng naging parte nitong program na ito kasama ang youthful looking mom ni Justine na hinatid ako hanggang Monumento at naging dahilan ng mabilis at safe na pag-uwi ko. nakatipid pa ko ng pamasahe. Maraming-maraming salamat po. Isang masayang programa na may magandang hangarin, ating natamasa :) Okay. Ang pangit ng last sentence ko. Good night :)


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment