My photo
Philippines
A 16 year old girl who loves to talk and laugh, it's a talent she wanted to share. Likes to eat (as you can see) and dreams of traveling someday.

HELL. WEEK.

HELL WEEK. Definitely a hell week. Isang buong linggo na puro major paper at presentations ang gagawin, sabayan mo pa ng mga bonggang halos araw-araw na quiz. Kaloka! Nawindang ako, kala ko pag Freshman party party pa kasi bagong salta lang sa college, ay grabe te! Feeling ko graduating na ko. Naisip ko pano pa pala kapag 3rd or 4th year na ko, na may thesis na?

Critique Paper - English (deadline: Thursday, Oct 4)
Video Presentation - ETAR (deadline: Friday, Oct 5)
Research Paper - Sociology (deadline: Friday, Oct 5)
T-shirt Printing - Theology (deadline: Friday, Oct 5)
Quiz - Philosophy (Tuesday, Thursday, Oct 2 and 4)
Quiz - Theology (Wednesday, Oct 3)
Quiz - Journalism (Tuesday, Oct 2)
Quiz - History (Tuesday, Oct 2)
Next Week: FINALS!!!

*DAMN FRIDAY!

At sa kabila ng lahat, nakuha ko pang mag-post. Mabuting bata. Buti na lang sinanay ako ng SPCC sa ganitong sitwasyon at always ready ang ate niyong maki-giyera. 'Yung tipong konti lang ang tulog at lumalabas na ang mga makukulit na tigyawat sa mukha. Badtrip yon, hassle! Pero kailangan eh, after naman nito sobrang relieved yung pakiramdam mo. Parang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan.

Ironic din kasi nangyari to after Welcome Walk. WOW! Sobrang na-welcome ako! Anywaaaaaaay, sige na mga kapatid. At magbubusy-busyhan na ko :) Good luck din sa Hell week niyo at sigurado akong magkakaroon kayo nito. Kaya niyo yan! Panindigan ang kinuhang course! :)))

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment