ANG COOL NG MGA BASSISTA! :)))
My Most Awaited Sembreak
WOOOOOOOO! Sembreak na! :D
Dati parang wala lang sakin tong sembreak na to nung high school ako. Pero ngayong college na ramdam na ramdam ko na ang tunay na essence ng sembreak! Pagkatapos ba naman ng isang buwang paguran, puyatan, at naglalakihang eye bags at tigyawat, gugustuhin mong matulog at gawin lahat ng hindi mo na nagagawa ngayong sembreak! SEMBREAK! S-E-M-B-R-E-A-K! (Pasensya na ho sa author nitong blog na to at masyadong nasisiyahan sa sembreak dahil nakaranas siya ng isang matindi, bonggang bongga, at wapak na isang buwang walang tulog) *kasama na ho ang finals diyan.
Ang saya ng pagtatapos ng isang sem ko (hindi ko alam kung talagang mababaw lang ako) nag Rock Band kami na noon ko lang nalaman kung ano yun at kung pano siya laruin :))) Infairness ang saya niya laruin ah, pero siguro depende din sa mga kasama niyo yan. Mga kasama ko kasi non sobrang kalog, sarap kasama at kalaro. Try niyo na din Rock Band (oha! Endorser na ko, dapat bayaran ako ng Rock Band dito e, haha).
Ok guys, alam kong nagtatatalon na kayo sa saya dahil sembreak niyo na din >:) Ano plano niyo? Sana maging productive tong (almost) 3 weeks ko, baka tumaba lang ako lalo nito dahil nasa bahay :)) Gawin nating productive ang sembreak natin!
-----nothing follows------
(Tapos na po ang post na ito dahil sobrang saya ng author at makakapagpahinga na siya at makakapaglaro, at makakanood ng 500 Days of Summer, at makakapag badminton.) :)
ENJOY YOUR SEMBREAK GUYS! -- Hazel
HELL. WEEK.
HELL WEEK. Definitely a hell week. Isang buong linggo na puro major paper at presentations ang gagawin, sabayan mo pa ng mga bonggang halos araw-araw na quiz. Kaloka! Nawindang ako, kala ko pag Freshman party party pa kasi bagong salta lang sa college, ay grabe te! Feeling ko graduating na ko. Naisip ko pano pa pala kapag 3rd or 4th year na ko, na may thesis na?
Critique Paper - English (deadline: Thursday, Oct 4)
Video Presentation - ETAR (deadline: Friday, Oct 5)
Research Paper - Sociology (deadline: Friday, Oct 5)
T-shirt Printing - Theology (deadline: Friday, Oct 5)
Quiz - Philosophy (Tuesday, Thursday, Oct 2 and 4)
Quiz - Theology (Wednesday, Oct 3)
Quiz - Journalism (Tuesday, Oct 2)
Quiz - History (Tuesday, Oct 2)
Next Week: FINALS!!!
*DAMN FRIDAY!
At sa kabila ng lahat, nakuha ko pang mag-post. Mabuting bata. Buti na lang sinanay ako ng SPCC sa ganitong sitwasyon at always ready ang ate niyong maki-giyera. 'Yung tipong konti lang ang tulog at lumalabas na ang mga makukulit na tigyawat sa mukha. Badtrip yon, hassle! Pero kailangan eh, after naman nito sobrang relieved yung pakiramdam mo. Parang nabunutan ka ng tinik sa lalamunan.
Ironic din kasi nangyari to after Welcome Walk. WOW! Sobrang na-welcome ako! Anywaaaaaaay, sige na mga kapatid. At magbubusy-busyhan na ko :) Good luck din sa Hell week niyo at sigurado akong magkakaroon kayo nito. Kaya niyo yan! Panindigan ang kinuhang course! :)))
KISLAP: Butil Night Race 2012
Ikalawang beses na ng KISLAP at ngayon lang ako naging parte nito. Sobrang saya talaga kahit inulan. Matinding preparations ang ginawa ng mga officers and staffers ng Becarios para maging successful ang program na ito at tingin ko natupad naman ang wish ng nakararami na maging successful ito. Sobrang fulfilling nang makita ko yung mga participants sa Plaza Mayor na suot 'yung singlets nila. Syempre hindi din mawawala ang glow sticks dito. Ang ganda ng effect na na-contribute ng glow sticks. At kahit nag-alay na ng itlog ang ilang officers, napaka-unpredictable pa din ng weather, syempre inulan. That time, nasa Beato Pavilion ako kasama ang trustworthy companion ko na si Justine (with an "E") at si James Harley Samonte (oha! full name!) in-charge kasi kami sa water station. Pero habang naghihintay kami ng sagot from the officers kung tuloy pa ba ang program, nakita namin bigla na tumatakbo na sila. Nakakagulat kasi hindi pa kami nagpeprepare ng water, pero nagawan naman ng paraan, nakakagulat din kasi at nakakataba ng puso (oh diba, mataba ang puso :D) kasi kahit na umuulan pa willing pa din ang mga participants na tumakbo. Sobrang haggard talaga sa water station kasi dagsa yung pagdating nila. Dito namin nakilala ang dalawang dalagitang taga-FEU. Si Danica at Eloisa, hindi ko talaga to inaasahan. Sa gitna ng pagiging ngarag naming tatlo, lumapit sila at tumulong, good samaritans ang peg. Oha! Gusto ko i-take ang opportunity na to para magpasalamat sa kanila. MedTech po ang course nila. Ace your examinations and good luck sa studies. Magkikita ulit tayo someday. Salamat talaga sa inyong dalawa. After the race, nagkaroon ng concert kasama ang mga talentadong Tomasino. Mga bandang Thomasians ang members, UST Pride. Tunay nga namang talentado ang mga Tomasino. Lubos talaga kong nagpapasalamat sa lahat ng naging parte nitong program na ito kasama ang youthful looking mom ni Justine na hinatid ako hanggang Monumento at naging dahilan ng mabilis at safe na pag-uwi ko. nakatipid pa ko ng pamasahe. Maraming-maraming salamat po. Isang masayang programa na may magandang hangarin, ating natamasa :) Okay. Ang pangit ng last sentence ko. Good night :)
Survival Tips Tuwing Umuulan
Grabe yung kulog, nakakatakot! Galit na galit. Pati yung ulan, walang tigil. Nawawala-wala pa yung kuryente dito sa amin. As usual, napaka-rampant nanaman ng mga estudyanteng nag-aabang ng suspension ng klase (aminin ^_^). Kaya dapat palagi tayong handa sa mga ganitong klaseng panahon, ilan lamang ito sa mga bagay na dapat niyong tandaan. Mga tips mula sa mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas (syempre sanay na sa baha :D)
- Laging magdala ng PAYONG. Umulan man o umaraw napaka-importante ng payong sa buhay.
- Ugaliing magbaon ng TSINELAS. Ilabas mo na yang pinaka-iingatan mong Havaianas, Banana Peel, Rambo, Islander, at kung anu-ano pang mga tsinelas. Magagamit to tuwing tag-ulan, promise! Sobrang laking tulong.
- PLASTIC. Magdala din ng plastic, lalagyan ng mga gamit mo. Delikado, baka maging aquarium yung loob ng bag mo.
- CELLPHONE. Kahit ano pang uri ng cellphone iyan, basta dapat mayroon ka, kahit yung pinakamurang klase, yung may antenna pa. Hindi kailangang bongga o iPhone5 pa iyan, basta may sapat na load para magamit tuwing may emergency.
- EXTRANG PERA. Palaging magtabi ng sobrang pera dahil hindi natin alam ang panahon ngayon, sobrang unpredictable.
- Kumot, tuwalya, sipilyo, sabon, toothpaste, cotton buds, deodorant, tissue, luggage bag, cabinet, salamin, suklay, listerine.
Mabuti nang Nagkakaintindihan!
Ito yung mga bagay na pinaka-kinaiinis ko eh:
- Naninigarilyo in public: yung tipong ibubuga pa sa mukha mo yung usok. O kaya naman pag sa jeep. Nako! bwisit na bwisit talaga ko pag sa jeep lalo na pag papunta sakin yung usok, di ako makahinga, gusto ko minsan sakalin yung naninigarilyo!)
- Kaskaserong driver: at dahil regular passenger ako ng mga jeep, mayroon akong madalas na nasasakyan na jeep from Lacson to LRT station in Tayuman, yung normal 10 minute ride from UST to Tayuman LRT station nagiging 5 minute ride lang pagdating sa kaniya. Nakakatakot! Para na rin akong nakalibre ng ride sa Star City tuwing nakasakay ako sa jeep niya. Buwis buhay ng bongga! Hindi talaga ko magtataka kapag naaksidente yun, pero sana huwag..)
- Waluhan na nagiging Sampuan: Tungkol din sa jeep. Nakakainis yung pagsisiksikan kayong ilagay sa iisang jeep. Ang init init kaya sa loob, halos kalahati na lang nakaupo sa puwit ng iba. Ipit na ipit pa lahat ng nakaupo. Tapos yung barker naman sisigaw sabay tuktok ng barya sa gilid ng jeep "konting usod lang po mga kapatid para maka-alis na" Hello! Ikaw kaya umupo dito.
- Biglang ulan: Sobrang unpredictable talaga ng weather, nakakabadtrip yung naka-ayos ka na eh, naka-uniform, tuyo na yung buhok, fresh na fresh, tapos paglabas niyo ng bahay biglang aambon at eventually magiging ulan. BADTRIP YON SERYOSO! Eh yung sapatos ko pa naman dati leather na parag doll shoes, mababa lang. Kaya kapag lumakad ka sa basang daan magiging aquarium agad. Pero naniniwala pa din akong "Necessity is the mother of all inventions" - Tama ba? haha, kaya nagpalit ako ng sapatos, yung usong mga doll shoes na gawa sa rubber. Hahamunin ko yung baha sa UST :))
- Sardinas sa LRT: mabibilang lang talaga sa daliri kung ilang beses ako naka-upo sa loob ng LRT train. Tuwing sasakay ako palaging siksikan. Ok pa kapag tuwing 3pm ang uwian ko eh, may awa pa ang Diyos at nakakasiksik pa ko sa loob. Pero pag 7pm ang uwi ko, Diyosko! Sardinas talaga sa loob ng tren. 'Yung tipong makikita mo yung mga mukha nung tao nakadikit na sa pinto :)))) Yung makikipagpatayan makasakay lang sa loob. Kaya sumasakay na lang ako sa LRT tuwing pauwi e. Kundi tuwing papasok ako halo-halo na amoy ko. Tuwing bababa naman ng Monumento station naiimagine ko yung meme na to:
- Mag-commute pag maraming dala: Sobrang HASSLE! Kahit kailan inis na inis ako pag ganito, lahat na ata ng uri ng bag nagamit ko, nagtapon ng basura sa bag, at nagtanggal ng mga gamit na hindi naman kailangan, Take note: may locker pa ko niyan ah, pero madalas pa din akong madaming gamit. Ang hirap kayang magpalipat-lipat ng sasakyan pag madaming gamit.
Madami pa yan, kaso inaantok na ko :))) Nakakainis lang talaga pero 'yung iba tuwing naiisip ko natatawa na lang ako.. definitely more fun in the Philippines!
Tips tuwing may exams/quiz:
Para sa mga mag-mimidterm pa lang this week, at dahil may major quiz ako bukas (na hindi matuloy-tuloy), naisipan kong gumawa ng tips tuwing may exams or quizzes na hinihiling ko ay sana masunod ko din :)) So, let's get it started: